Wednesday, December 1, 2021

 Paano ba tayo makakatulong sa pag bawas ng isyung pangkalikasan?

  • Ugaliin ang paggamit ng 3rs(Reduce, Reuse, Recycle)
  • Wag na wag mong gawin ang illegal logging 
  • Wag ibuhos ang mga kemikal sa anumang uri ng anyong tubig
  • Wag itapon ang basura sa kanal, ito ay nag dulot ng matinding pag baha
  • Iwasang maging maingay
  • Itigil ang paggamit ng Pesticide at iba pang spray na nakakasira ng kalikasan
  • Magtanim ng maraming puno para kapag bumaha, may sumisipsip sa baha at maiwasan ang landslide
  • Iwasan ang paggamit ng Cyanide at Dynamita sa pangingisda, ito ay nakakasira ng karagatan at dagat
  • Iwasan ang paggamit ng mga sasakyan na lumalabas ng makakapal at maitim na usok, ito ay sanhi ng polusyon sa hangin
  • Sundin ang mga batas tungkol sa ating kapaligiran at kalikasan


Sa maliit na bagay ikaw ay nakakatulong na nang lubos at ikaw din ay mabibiyaan ng malusog, maganda at mala-paraisong kapaligiran. Sana nag enjoy kayo at may nalaman kayo sa blog ko. Dito nagtatapos ang aking blog at maraming salamat!

 Maraming isyu ang kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan. Ngunit kung ako’y bibigyan ng pagkakataon na maging bahagi ng mga isyung ito, ang una kong pagtutuunan ng pansin ay ang isyu tungkol sa ating kapaligiran. Ginawa ko ang sanaysay na ito upang mailahad ko ang mga bagay na aking naiisip na kaakibat ng ating kapaligiran sa kasalukuyang panahon.


Patuloy na nasisira ang ating kapaligiran, dahilan upang magkaroon ng negatibong pagbabago hindi lamang dito sa ating bansa bagkus pati na rin sa buong sadaigdig. Ang lumalalang sitwasyon ay nagiging dahilan upang magkaroon ng pangyayari na tinatawag na global warming. Ang global warming ay ang pagtaas ng temperature ng ating mga karagatan at atmosphere at ang patuloy na paglala nito. Sinasabi ng mga scientist at mga eksperto na ang dahilan nito ay ang pagsusunog ng mga fossil fuels na nagiging sanhi ng pagkasira ng ozone layer n gating atmosphere. At dahil unti-unting nabubutas ang ozone layer, ang init na galing sa araw o itong tinatawag na sun’s rays na mapanganib sa ating kapaligiran kung ito’y direktang makapapasok ay siya na ngang nagyayari sa kasalukuyang panahon. Ang ozone layer ang siyang nagsisilbing taga-sala nito o filter upang hindi ang mga mabubuting sinag lamang ang makapasok sa ating atmosphere.

 Ano nga ba ang isyung pangkalikasan?

-Ang isyung pangkalikasan ay mga isyu tungkol sa ating kapaligiran na hindi mabuti at ayos ang dulot.

 Ano ano nga ba ang halimbawa ng isyung   pangkalikasan?

  • Polusyon sa Hangin
  • Global Warming
  • Kakulangan at polusyon ng tubig
  • Polusyon sa lupa
  • Pagkasira ng Kagubatan

 Anim na araw daw ang iginugol ng Diyos sa paglikha ng mundo at sa ikapitong araw ay nagpahinga siya. Ginawa niya ang buong kalupaan at katubigan. Lumikha siya ng puno at halaman, pati mga hayop na titira sa lupa, sa tubig at sa kalangitan. Mula sa alabok ay nilikha niya ang isang espesyal na nilalang; ito ay ang tao. Siya ang inatasang mangalaga sa lahat ng bagay na nilikha ng Diyos. Siya ang tagapangalaga ng mundo. Ngunit ngayon, ang tanong na naghahari ay nasaan na ang dating paraiso?


Ang mga puno ay importante sa mga tao dahil ito ang naglilinis ng hangin at sumisipsip ng tubig ulan upang hindi bumaha. Dahil sa walang tigil na pagputol ng mga puno ay madalas magkaroon ng mga malalaking pagguho ng lupa at pagbaha, pati ang mga hayop sa kagubatan ay nanganganib din dahil nawawalan na sila ng tirahan. Kaunti na lang ang mga punong lumilinis ng hangin ngayon kaya ang mga tao ay madalas magkasakit. Nagkakaroon din ng mga pagbabago sa klima na dulot ng polusyon. Nagkakaroon ng mga malalakas na bagyo at sobrang init at matagal na tagtuyot. Pati ang mga ilog ay nasira at namatay na dahil sa kagagawan ng mga tao dulot ng walang habas na pagtatapon ng basura. Katulad ng Ilog ng Meycauayan. Ang isa sa pinaka-maruming ilog sa mundo na nandito sa aming lugar. Dati ay malinis pa ang ilog na ito ngunit dahil sa walang tigil na pagtatapon ng basura ay unti-unting nasira at namatay ang ilog.


Tunay na sa kabila ng pag-unlad ng sibilisasyon at teknolohiya, ang kapaligiran ang higit na naaapektuhan. Kung may disiplina sana tayong mga tao, siguro malinis at maganda parin ang kapaligirang ating ginagalawan ngayon. Tayo ang tinaguriang tagapangalaga ng lahat ng bagay na nilikha ng Diyos. Kailan pa tayo kikilos upang itama ang pagkakamaling ating nagawa? Ngayon ang oras hangga’t hindi pa huli ang lahat. Tayo ang higit na naaapektuhan. Nais kong makita muli ang paraisong nilikha ng Diyos. Hahayaan pa ba nating tuluyang mawasak ang mundo. Papayagan mo ba na kahit ang itsura ng dagat, puno at halaman ay hindi na kailanman masilayan ng susunod na henerasyon. Tayo ang tagapangalaga, hindi tayo nilikha upang maging taga-ubos at taga-sira. Simulan natin sa ating sarili, sa simpleng pagtatapon ng wasto ay masisimulan nating likhain ang paraisong matagal ng hinahanap ng mga tao.

 P aano ba tayo makakatulong sa pag bawas ng isyung pangkalikasan? Ugaliin ang paggamit ng 3rs(Reduce, Reuse, Recycle) Wag na wag mong gawin...